2 Pinoy seafarers na malubhang nasugatan sa missile attack ng Houthi, naka-confine ngayon sa isang private hospital sa Metro Manila – DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na binibigyan na ng medical care at attention sa isang private hospital sa Metro Manila ang dalawang umuwing Pinoy seafarers na malubhang nasugatan sa missile attack ng Houthi rebels.

Ang dalawang crew members ay dinalaw kaninang hapon sa pagamutan ng mga opisyal ng DMW.

Ayon sa DMW, ang crewmen ay nasa stable condition at sasailalim sila sa full medical evaluation at assessment bukas.


Sa briefing ng mga doktor sa DMW officials, inihayag ng mga ito na sa magiging resulta ng medical assessment malalaman ang gagawing course of treatment at care sa Pinoy seafarers.

Facebook Comments