2 police escort ng drug suspect na si Diana Uy, tiyak na masisibak sa serbisyo – PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Titiyakin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na masisibak sa serbisyo ang dalawang police escort ni Diana Uy ang anak ng drug queen na si Yu Yuk Lai na naaresto kamakalawa matapos makuhaan ng milyon milyong halaga ng shabu sa kanyang bahay sa lungsod ng Maynila.

Ang mga pulis na ito ay sina SI po2 Faisal Abdullah Sawadjaan na police escort ni Diana Uy simula pa taong 2010, at PO3 Walter Vidad na taong 2013 pa nakatalaga kay Uy bilang police escort.

Naniniwala si PNP Chief Ronald Dela Rosa na matagal nang nakikinabang sa iligal na aktibidad ni Diana Uy ang dalawa.


Sa impormasyong nakuha ni Dela Rosa, isang libong piso ang allowance ng dalawang pulis kada-araw dahilan para ang loyalty ng mga ito ay kay Diana UY kaya hindi na ini-report ng dalawa sa kanilang immediate superior na si Diana Uy ay anak ng drug queen na si Yu Yuk Lai.

Sa ngayon, nanatili sa investigation section ng tanggapan ng Police Security Protection Group ang dalawang pulis habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Otomatiko rin aniyang masasampahan ng kasong administratibo ang dalawa dahil sa mga paglabag na kanilang ginawa.

Facebook Comments