2 presong may COVID-19 na tumakas sa quarantine facility, naaresto na

97
Courtesy Manila Public Information Office

Naaresto na ang dalawang presong tinamaan ng COVID-19 na tumakas sa quarantine facility sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Brig. Gen. Rolando Miranda, direktor ng Manila Police District, umeskapo ang mga bilanggo mula sa Delpan Evacuation Center pasado alas-7:30 ng umaga nitong Martes.


Kaagad naman silang natunton ng awtoridad sa Sta. Ana, Maynila.

Nahaharap ang dalawang preso sa kasong may kinalaman sa iligal na droga at child abuse.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng pasyente upang maiwasan ang pagkakaroon ng transmission sa kinatatakutang virus.

Samantala, sasailalim sa self-quarantine ang mga pulis na umaresto sa mga pumugang bilanngo.




Facebook Comments