Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang proklamasyon na siyang magtatatag ng dalawang information technology o IT centers sa Metro Manila.
Ito ay upang magbigay pa ng dagdag na oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho.
Inisyu ng Pangulo ang Proclamation No. 672 at 673 kung saan magtatayo ng IT park sa EDSA-North Avenue, Quezon City at IT center sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Ang pagtayo ng IT parks at special economic zone ay rekomendado ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Facebook Comments