2 PROYEKTO SA JONES ISABELA, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Jones, Isabela ang kanilang natapos na dalawang proyekto.

Ang mga proyektong ito ay ang pagkongkreto ng Minuri Farm to Market Road at paglalagay ng solar street lights sa barangay Diarao hanggang Abulan.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal at kawani ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.


Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng Support to Barangay Development Project (SBDP) ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Facebook Comments