2 puganteng Chinese national na tinangkang lumabas ng bansa, naharang ng Immigration

Dalawang puganteng Chinese national na nagtangkang lumabas ng bansa ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naaresto ang mga suspek na sina Jun Zhang at Tianyi Zhang sa magkahiwalay na operasyon.

Napag-alaman na wanted si Jun sa China dahil sa extortion at patungo sana ito ng Bangkok.


Nagpakilala pa siyang citizen ng Myanmar at gumamit ng ibang pangalan.

Habang si Tianyi naman ay patungo sanang Xiamen pero nahaharap pala sa deportation case dito sa Pilipinas dahil sa pagkasasangkot sa prostitution at labor exploitation.

Nakakulong na ang mga ito sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportasyon.

Facebook Comments