2 puganteng South Korean, arestado ng immigration authorities

51

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang 2 South Koreans na wanted sa Seoul sa kasong fraud at drug pushing.

Ang 36 anyos na si Noh Kyungwoo ay naaresto sa Pasay dahil sa kasong fraud sa South Korea habang arestado naman sa Pampanga ang 53 anyos na si Kwon Soonho dahil sa kasong illegal drugs sa South Korea.

Ang dalawa ay kapwa overstaying at undocumented aliens matapos na bawiin ng South Korean government ang passport ng mga ito.


Nabatid na si Noh ay una na ring nahuli sa NAIA dahil sa falsification of public documents.

Gayunman, agad din itong napalaya matapos makapagpiyansa.

Facebook Comments