2 pulis, huli dahil sa pangongotong

Inaresto kahapon ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang police officers at isang sibilyang kasabwat na nangongotong sa ilang transport groups sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., agad silang nagkasa ng operasyon makaraang makatanggap ng sumbong mula sa local transport leaders.

Aniya, ang dalawang pulis ay kapwa nakatalaga sa Cavite Police Provincial Office.


Sa inisyal na imbestigasyon, tumatanggap ang mga ito ng P1.5 milyon kada bwan na payola mula sa transport groups o P170,000 kada transport group bilang protection money para hindi sila hulihin.

Ang mga ito ay nasa kostudiya na ng CIDG at ipaghaharap ng paglabag sa illegal possession of firearms at paglabag sa omnibus election code.

Facebook Comments