2 pulis, kakasuhan matapos mahuli sa aktong nag-iinuman sa pampublikong lugar

442

Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force ang dalawa nilang kabaro matapos na mahuli sa aktong nagiinuman sa isang karenderia sa 3rd Avenue, Brgy. Socorro Quezon City kagabi.

Kinilala ang dalawang pulis na sina SPO1 Franklin Nariz na nakatalaga sa PNP Maritime Group at Police Officer 3 Tristan Callao nakatalaga sa Headquarters Supoort Service sa Camp Crame.

Ayon kay CITF Spokesperson Police Supt. Renante Lambojo lumabag ang dalawang pulis sa Section 3.1 ng PNP ethical Doctrine.

Una rito ay ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulis at sundalo ang pagiinom sa mga pampublikong lugar kahit na hindi nakaduty ang mga ito.

Kaya mahaharap ang dalawa sa kasong administratibo.

Sa ngayon, pansamantala silang nananatili sa CITF headquarters sa Camp Crame.

Facebook Comments