2 pulis na nanipol sa isang babae sa Quezon City – nahaharap sa patong-pato na kaso

Quezon City – Nahaharap sa kasong administratibo ang dalawang pulis na suspek sa “cat calling” o paninipol sa isang dalaga sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Chief Guillermo Eleazar – sinampahan ng kasong conduct of unbecoming of a police officer sina PO2 Rick Lopez Taguilan at PO1 Domingo Nagales Cena.

Ayon kay Eleazar, ang dalawang pulis ay lumabag din sa city ordinance 2501 ng Quezon City o Anti-Harassment Ordinance, na nagbabawal sa pambabastos, paninipol o iba pang uri ng harassment sa mga babae.


Sakay umano ang dalawang pulis ng QCPD mobile unit 235 mula police station 8, noong November 2 dakong alas-10:30 ng gabi kung kailan naganap ang cat calling incident sa biktimang si Zandy.

Nahagip ng CCTV ng MMDA ang patrol car ng mga pulis, na nagtutugma sa kwento ng biktima.

Hindi rin lusot ang patrol supervisor na si SPO1 Ariel Camiling na mahaharap naman sa kasong dishonesty dahil pinagtakpan ang dalawang pulis.

Facebook Comments