2 pulis na sangkot sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz, pinatatangal na sa serbisyo

Manila, Philippines – Inirekomenda na ng PNP Internal Affairs Service o IAS kay PNP Chief Ronald Dela Rosa na sibakin sa serbisyo ang dalawang pulis Caloocan na sangkot sa pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz.

Makaraaang lumabas sa imbestigasyon ng IAS na sinadya nina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita na patayin si Carl.

Kaya naman, ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, napatunayan nila ang grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer na ipinataw sa dalawang pulis


Inirekomenda rin ng IAS kay Bato na idemote ng isang ranggo ang hepe ng Caloocan Police Community Precinct 2 na si Chief Inspector Fortunato Ecle dahil naman sa command responsibility.

Sinabi pa ni Triambulo na idinepensa pa ng mga dawit na pulis na lehitimo ang kanilang operasyon at dapat pa silang bigyang pagkilala sa kanilang ginawa.

Pero sa imbestigasyon lumalabad mas tumutugma ang salaysay ng saksi at taxi driver na si Tomas Bagcal sa mga ebidensyang nakita sa crime scene at sa mga nakitang tama ng bala sa biktima kesa sa kwento ng mga pulis Caloocan.

Facebook Comments