2 pulis, sugatan sa pananambang ng NPA sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Sugatan ang dalawang pulis matapos ang ginawang pananambang ng New Peoples’ Army sa Carranglan, Nueva Ecija kaninang umaga.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) alas-6:30 ng umaga kanina reresponde sana sa isang insidente ng pamamaril ang tropa ng Carranglan Police Station, Provincial public Safety Company at mga miyembro ng 84th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Sitio Calvelo Barangay Putlan, Carranglan, Nueva Ecija.

Pero pagsapit nila sa lugar ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga miyembro ng NPA.


Kinilala ang mga sugatang pulis na sina PO3 Jose Ira Nimenzo at PO1 Rommel Gabia na parehong nagtamo ng bali sa binti nang tumalon sa PPSC vehicle.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtugis ng militar at pulisya sa mga nanambang na mga rebelde.

Facebook Comments