Thursday, February 5, 2026

2 pulitiko sa Northern Luzon, hinihinalang mastermind at financier sa malaking ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Pampanga

Sa inspeksyon na ginanap kanina, sinabi ni SILG Jonvic Remulla na may dalawang pulitiko sa Northern Luzon ang hinihinalang mastermind at financier sa malaking ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Mexico, Pampanga.

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye si Remulla sa mga nasabing mga mastermind at financier ng nasabing ilegal na pagawaan .

Nabatid na naaresto ng awtoridad ang anim na Chinese Nationals na ilegal na nagpapatakbo ng nasabing pabrika at nasagip ang 65 na mga Pilipino nitong trabahador.

Samantala, bukod sa mga naarestong Chinese, ayon naman sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nagpadala na ito ng subpoena sa isa sa mga umupa sa nasabing lugar at tiniyak na magpapadala na rin sa tatlo pang incorporators nito na hinanap na rin sa ngayon.

Kaugnay nito, nasa 10 manufacturing sites ng mga sigarilyo ang iniimbestigahan ngayon ng awtoridad sa bansa.

Facebook Comments