Aniya, posible ang pagbaba ng singil ng kuryente dahil isa ang ISELCO-II sa buong rehiyon na nagsagawa ng tinatawag na ‘Competitive Selection Process’ na naaayon sa Department Circular No. 2019-02-003 ng Department of Energy (DOE).
Dagdag pa niya, mayroon ng proyekto ang kooperatiba na renewable energy gaya ng Solar Farm sa San Pablo at Hydro Power Plant sa Antagan 1st, Tumauini.
Sa pamamagitan nito mababawasan ang singil sa kuryente dahil dahil alinsunod sa Renewable Energy Act, ang mga renewable energy plants ay exempted sa 12% Value Added Tax (VAT).
Mababawasan din ang transmission charge dahil ang mga terms of reference sa renewable energy at ang mga plantang itatayo dito sa lalawigan ng Isabela ay magiging franchise ng ISELCO-II o tinatawag na ’embedded’.
Samantala, hinihintay na lamang ang Provision of Authority mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) para masimulan na ang pag-operate ng nabanggit na mga proyekto at magamit na sa pag-suplay ng kuryente sa mga nasasakupan ng kooperatiba.