2 rescue boats, naka posisyon na sa Marikina River

Marikina – Ipinosisyon na ng Marikina Rescue 161 ang 2 nilang rescue boats kasunod ng inaasahan pang pagtaas ng tubig sa Marikina river.

Sa pinaka huling datos ng Marikina PIO nasa 14.9meters ang lebel ng tubig sa ilog ng Marikina simula kaninang alas-siete ng umaga.

Pero dahil patuloy pa rin ang nararanasang pag-ulan at inaasahang bababa ang tubig mula sa kabundukan ng Rizal sa Marikina kung kaya’t pinaghahandaan na ito ng Marikina City Govt.


Pinaalis narin ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng Marikina river banks.

Pag umakyat na sa 15meters ang lebel ng tubig sa Marikina river, otomatikong tutunog ang sirena sa paligid ng river banks hudyat na dapat maging alerto ang mga nakatira malapit sa ilog

Pag sumampa na sa 16meters ang lebel ng tubig ay kinakailangan nang magpatupad ng pre emptive evacuation lalo na sa mga brgy. ng Nangka, Tumana, Sto. Niño, Sta. Elena, Calumpang, San Roque at Dela Peña.

Force evacuation naman ang ipatutupad kapag umakyat na sa 17meters ang water level sa Marikina river.

Facebook Comments