2 respondents sa Dacera case, nag-retract sa isyu na may droga sa kanilang party kung saan namatay ang flight attendant

2 sa mga respondents sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera ang kumambyo at nagsabing pinilit sila ng Makati Police na magsalita na may iligal na droga nang ganapin nila ang New Year’s party sa isang hotel sa Makati.

Ayon kay Atty. Abigail Portugal, ginawan ng mental torture ng mga otoridad sina John Paul dela Serna at Rommel Galido kaya napilitan ang mga ito na sabihin na may iligal na droga sa party.

Si Portugal ay abogado nina Dela Serna at Galido, gayundin ng 3 iba pang respondents na sina Gregorio de Guzman, Clark Rapinan at Valentine Rosales.


Sinabi ni Portugal na tinuruan ng mga pulis sina Dela Serna at Galido na magsinungaling sa isyu ng illegal drugs kapalit ng hindi raw pagsasama sa kanila sa mga kakasuhan.

Nilinaw rin ni Atty. Portugal na lumabas sa drug test na negatibo sa paggamit ng iligal na droga ang kanyang 5 kliyente.

Facebook Comments