Nakalaya na ang dalawang Reuters journalist na ikinulong ng higit 500 araw sa Myanmar.
Sina Wa Lone at Kyaw Soe Oo, ay na-convict noong 2017 dahil sa paglabag sa Official Secrets Act.
Nanalo sila ng 2019 Pulitzer Prize dahil sa kanilang coverage sa military crackdown sa Rohingya Muslims.
Kasama ang dalawang mamamahayag sa 6,520 prisoner na nabigyan ng presidential amnesty ni Myanmar President Win Myint.
Ikinalugod naman ni Reuters editor-in-chief Stephen Adler ang pagpapalaya sa dalawa nilang magigiting na reporter at sumisimbulo ito ng kahalagahan ng press freedom.
Sa ngayon, nakapiling na muli ng mga journalist ang kani-kanilang mga pamilya.
Facebook Comments