Patuloy ang clearing operation ngayon sa dalawang road section sa Ifugao at Upper Kalinga sa Cordillera Administrative Region (CAR) matapos magkaroon ng soil erosion epekto ng bagyong Falcon.
Sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, isinara sa mga motorista ang KO552, + 200- KO522 + 220 Matteled Section Dupilagan sa Ifugao dahil soil erosion.
Hindi rin madaanan hanggang kahapon ng umaga ang Tanudan Bridge sa Ifugao dahil sa patuloy na pag-ulan.
Sa Upper Kalinga partikular sa Mountaine Province Boundary – Calanan – Abbut Road isang kalsada lang ang maaaring daanan ng mga motorista dahil sarado dulot ng soil erosion ang K0422+550 Lakilak Section Baugnay Tinglayan Kalinga.
Nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Falcon upang agad na maalalayan ang mga residente.