Manila, Philippines – Plano ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ilipat ng kulungan ang dalawang Russian na nahulihan ng iligal na droga sa NAIA noong nakalipas na taon.
Ang kaso ng dalawang drug suspect na sina Yuri Kirdyushkin at Anastacia Novopashina ay kasama sa mga napag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa kanilang bilateral talks sa bansa.
Kabilang sa napag-usapan ang paniniyak ng Pangulong Duterte na mabibigyan ng patas na paglilitis ang dalawang dayuhan at sila ay ikukulong sa maayos na pasilidad.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre, si Kirdyushkin ay nakakulong ngayon sa Metro Manila District Jail sa Taguig, habang si Novopashina naman ay sa BJMP-Pasay.
Balak ilipat ang dalawang dayuhan sa Metro Manila District Jail sa Taguig kung saan mas maayos ang mga pasilidad doon.