2 sa 6 na nasawing PAF personnel dahil sa pagbagsak ng sinasakyan nilang helicopter sa Agusan del Sur, inihatid na sa huling hantungan

Inihatid na sa huling hantungan ang 2 sa 6 na Philippine Air Force (PAF) personnel na nasawi dahil sa pagbagsak ng sinasakyan nilang helicopter sa Agusan del Sur.

Matatandaan na ang mga nasabing tauhan ng PAF ay maghahatid sana ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino.

Inihimlay sa Libingan ng mga Bayani si Captain Paulie Dumagan kung saan pinangunahan ni Philippine Air Force Commanding General, LtGen. Arthur Cordura ang pagbibigay ng Funeral Honors para sa ipinamalas nilang kabayanihan.

Samantala, sa bayan naman ng Real, Quezon, inilibing si Airman First Class Ericson Merico kung saan dinaluhan ito ni acting Vice Commander na si MGen. Pablo Rustia Jr. para bigyan ng parangal.

Habang apat pa na nasawing Air Force personnel ay inuwi na sa kanilang mga pamilya at lugar kung saan nabigyan na rin ang mga ito ng funeral honors.

Facebook Comments