2 sa 9 na suspek sa hazing incident sa Kalayaan, Laguna, naaresto na

Naaresto na ang dalawa sa siyam na suspek sa hazing incident na ikinasawi ng isang 18-anyos na estudyante sa Kalayaan, Laguna.

Ayon kay Kalayaan Police Chief Lt. Erico Bestid Jr., kahapon ay naisalang na sa inquest proceedings ang dalawang fraternity officials na sina Reyvince Espaldon at Venzon Benedict Lacaocao.

Iprinisenta sila sa prosecutor’s office sa nasabing probinsya para sa mga kasong homicide at paglabag sa anti-hazing law.


Ayon kay Remil Rabutazo, ama ng biktimang si Raymark, hindi bababa sa 23 miyembro ng Tau Gamma Phi ang present sa hazing venue kabilang ang ilan nilang mga kaanak.

Nilinaw naman ng Kalayaan Police na kahit mga estudyante at out-of-school-youth ang sangkot sa hazing ay walang magiging pananagutan ang eskwelahan dahil community-based ang nasabing fraternity chapter.

Facebook Comments