2 sa bawat 5 consumers, inaalok ng generic medicines sa botika 

Nasa dalawa sa bawat limang konsyumer ang inaalok ng generic medicines sa mga botika. 

Ito ang inanunsyo ng Department of Health (DOH) kasabay ng paggunita ng Generics Month. 

Ayon kay Dr. Irene Florentino-Fariñas, Policy Program Development and Research Unit Head ng DOH Pharmaceutical Division, tumataas ang market share ng generic medicines. 


Aniya, 83.33% ng mga doktor ang sumusunod sa Generics Law. 

Pero sinabi ni Fariñas na may ilang doktor ang nagrereseta ng branded medicines na available sa mga botikang kanila ring pagmamay-ari at may mga doktor na nasa ilalim ng kontrata ng ilang pharmaceutical companies. 

“Ito po iyong sa far-flung areas na iyong doctors, sila rin po ang may-ari ng pharmacies. Possible rin po na may doctors na contracted by several companies na iyong product nila ang dapat bilhin,” sabi ni Fariñas. 

Iginiit ni Fariñas na ang ganitong practice ay iligal at maaaring maparusahan. 

“Actually, marami na pong nasampolan na doctors na nagsusulat ng particular brand [of medicine]. Sinusubong po sa amin ng pharmacies, pasyente, at mga matitinong doktor,” ani Fariñas. 

Nanindigan ang DOH na may karapatan ang mga pasyenteng malaman kung may katumbas na generic ang isang gamot sa ilalim ng batas. 

Facebook Comments