Balik-selda na ang dalawa sa sampung detainees na pumuga sa Malibay Police Station sa Pasay City.
Ang mga detainee ay nadakip sa harap ng nagpapatuloy na manhunt operation.
Kinilala ang mga naarestong detainees na sina Joey Hernandez at Eden Garcia.
Nilinaw naman ni Col. Froilan Uy, hepe ng Pasay City Police na boluntaryong sumuko ang dalawang bilanggo sa Noble St., Pasay City.
Tiniyak naman ni Uy na mabilis nilang matutunton ang walong iba pang bilanggo dahil hindi pa ito nakakalabas ng Metro Manila.
Facebook Comments