Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawa sa unang batch ng Pinoy caregivers na pinadala sa South Korea ang hindi na nagpatuloy sa kanilang trabaho.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa Korean Ministry of Employment and Labor (MOEL).
Ito ay para maresolba ang mga isyu sa anim na buwang pilot program para sa Filipino caregivers sa South Korea.
Sinabi ni Cacdac na inaasahan na rin nila ang mga hamon sa pilot program at tiyak naman aniyang mapa-plantsa ito dahil sa umiiral na bilateral labor relationship ng Pilipinas at South Korea.
Facebook Comments