
Kinasuhan nina Department of Transportation (DOTr) acting Secretary Giovanni Lopez at LTO Chief Vigor Mendoza II sa Parañaque Prosecutors Office ang dalawa sa miyembro ng Bulacan Group of Contractors o “BGC boys.”
Kabilang na rito sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara at dating assistant engineer Brice Hernandez.
Ayon sa DOTr, partikular na isinampang reklamo ay ang “falsification of documents” o paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code.
Bukod pa rito, nakatakda ring sampahan ang tatlo pa sa miyembro ng “BGC boys” na unang nag-deny nang paggamit ng pekeng lisensya para makapasok sa casino.
Una nang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Executive Dir. Greg Pua na peke at walang record sa kanilang tanggapan ang mga driver’s license ng Bulacan Group of Contractors “BGC boys” at tinukoy na gumagamit umano ng alyas para makapaglaro sa casino.









