2 sa tatlong pulis na isinailalim sa restrictive custody, umamin na sila ang nasa CCTV footage na kumakaladkad kay Kian Delos Santos bago ito napatay

340

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na dalawa sa tatlong pulis ang umaming sila ang nasa CCTV camera na nakitang kumakaladkad kay Kian Delos Santos bago ito namatay noong August 16.

Ayon kay Triambulo, natapos nang makapagbigay ng statement sa PNP Internal Affairs Service ang tatlong pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at ito ang inamin ng dalawa.

Pero hindi muna binanggit ni Triambulo kung sino ang dalawang pulis na ito.


Maliban dito kinumpirma rin ni Triambulo na labing tatlong pulis ang kasama sa drug operation noong August 16 sa Caloocan.

Pero apat lamang aniya dito ang nasa restrictive custody kasama na si Police Community Precinct Commander Police Chief Inspector Amor Cirillo.

Facebook Comments