2 sakay ng Ambulansya arestado sa Checkpoint

Arestado ang dalawa katao habang sakay pa ng ambulansya matapos makumpiskahan ng ipinagbabawal na gamot sa checkpoint sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang , Maguindanao tanghali ng July 18.

Kinilala ni Police Major Michael Tinio ang mga naaresto na sina Hadsan Datumanong, 34 anyos, sinasabing nagmamaneho ng ambulansya at ang kasama nitong si Mohaimen Ali, Brgy. Electrician na kapwa mga residente ng Poblacion 2 sa Parang Maguindanao.

Nagmula sa isang Kanduli sa bayan ng Talitay ang mga suspek ayon pa kay Major Tinio sa panayam ng DXMY , pauwi ng Parang at ng mapadaan sa checkpoint sa bahagi ng Brgy Adaon, DAM ay dun na nga sinuri ang dalawa resulta ng pagkakakumpiska ng 2 sachet ng shabu.


Kasalukuyang nasa custody ng DAM MPS ang dalawa at nahaharap na sa kaukulang mga kaso.
Nagpaalala naman ang mga otoridad na hindi aniya dahilan para maging exempted na masuri sa checkpoint maging ang mga ambulansya o ano mang vehicle ng gobyerno.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments