2 sangkot sa pagpupuslit ng P75 million halaga ng shabu, naaresto Customs at PDEA

Naaresto ng pinagsamang pwersa ng Bureau of Customs – Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang indibidwal may kaugnayan sa pagpupuslit ng P75 million halaga ng iligal na droga.

Ayon sa Customs, dumating mula Mexico ang kargamento na naglalaman ng hinihinalang shabu at itinago sa loob ng isang industrial chiller.

Plano sanang ibagsak sa Cainta, Rizal ang mga kontrabando na may bigat na 11 kilo at itinago sa loob ng makina.

Dalawang lalaki naman ang naaresto nang tangkang kunin ang mga kargamento sa bodega.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na sila ng PDEA Region III at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments