2 sasakyan, hinarang ng mga pulis sa Cavite dahil sa paglabag sa IATF guidelines

Naharang ng mga pulis sa magkahiwalay na araw sa lalawigan ng Cavite ang dalawang sasakyang puno ng mga APOR o Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, unang naharang ng mga pulis nitong April 12 sa Congressional Road, Brgy. Maderan, GMA, Cavite ang isang aluminum van na minamaneho ng isang George Alabado.

Sakay nito ang 14 na mga empleyado mula sa Carmona Cavite na paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines dahil hindi naipatupad ang minimum public health standard at physical distancing.


Habang nitong April 14 ay isa pang sasakyan na elf aluminum van ang naharang din sa parehong lugar, sakay nito ang 15 APOR construction workers na paglabag din dahil walang social distancing.

Nabigyan na ng vioation tickets ang driver ng dalawang sasakyan habang pinauwi na ang mga sakay na pasahero.

Dahil wala namang maipakitang documents ng sasakyan ang driver ng Isuzu elf aluminum van na impound ito.

Facebook Comments