2 Sasakyan na Minamaneho ng Pulis at Guro, Nagsalpukan; Isa Patay!

2872

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos sumalpok sa sasakyan ng pulis ang sinasakyan nito na minamaneho naman ng isang guro sa pambansang lansangan sa Brgy. Garita, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ang nasawi na si Redentor Torres, nasa hustong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Sta. Filomena, San Mariano, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungong South direction ang isang pulang Montero na may plakang WIC 924 na minamaneho ni Jovimar Rodiguez, 37 anyos, may-asawa, pulis na nakatalaga sa PNP San Pablo, residente ng Brgy. Pilig Abajo, Cabagan, Isabela habang patungo naman sa North direction ang isang Alterrang sinakyan ng nasawi na may plakang ZCG793 na minamaneho naman ni Sherwin Ravana, 40 anyos, assistant professor ng Isabela State University (ISU), San Mariano Campus at residente ng Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela.

Habang magkasalungat na bumabaybay sa lansangan ang dalawang sasakyan ay biglang napunta sa kabilang linya ang minamanehong sasakyan ng guro kaya’t sumalpok ito sa kasalubong na pulis.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang drayber maging ang pasahero ng guro na si Torres at agad na dinala ang mga ito sa ospital para mabigyan ng atensyong medikal subalit idineklarang dead on arrival (DOA) ng Doktor si Torres.

Facebook Comments