2 sasakyan, nasabat ng PNP-HPG dahil sa pekeng plaka at dokumento

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang dalawang sasakyan sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Pasay City matapos matuklasang may iregularidad sa mga plaka at dokumento.

Isa sa mga nakumpiska ng HPG ang isang Mitsubishi Mirage dahil gumagamit ito ng pekeng plaka at pekeng dokumento.

Samantala, isang Nissan Juke din ang kinumpiska sa Pasay City dahil din sa pekeng plaka at hindi rehistrado.

Bagama’t negatibo ang resulta ng verification hinggil sa pagkakasangkot ng mga sasakyan sa anumang kaso o pagnanakaw, kinumpiska pa rin ang mga ito para sa kaukulang beripikasyon at legal na proseso.

Facebook Comments