2 sasakyang pandagat, nagbanggaan sa Saranggani; kapitan ng tugboat, patay

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may nasawi sa banggaan ng barko at tugboat sa Saranggani.

Ayon sa PCG, nangyari ang insidente kaninang umaga sa karagatang sakop ng Maasim, Saranggani.

Nakabanggaan ng M/TUG Sadong 33 ang Panamanian flagged cargo vessel na MV Universe Kiza kaninang alas-4:20 ng umaga.


Nasawi sa banggaan ang mismong kapitan ng motor tugboat habang isang tripulante ang patuloy na hinahanap.

Nasa ligtas nang lagay ang anim pang tripulante ng Sadong 33.

Wala namang napaulat na oil spill sa pinangyarihan ng banggaan.

Facebook Comments