2 sasakyang pandagat sakay ang 12 crew members na positibo sa COVID-19, dumating na sa Albay; mga crew, sa barko na magku-quarantine!

74

Dumating na sa Sto. Domingo, Albay ang dalawang sasakyang pandagat, sakay ang 12 crew members nito na nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commodore Armand Balilo, naka-angkla ngayon ang MT Clyde at barge Claudia, isang kilometro mula sa Lidong Port.


Sa loob na ng towing vessel magpapagaling ang mga crew na lahat naman aniya ay asymptomatic.

Maging ang iba nilang kasamahan na hindi positibo sa COVID-19 ay sa barko na rin magku-quarantine.

Nabatid na may kargang coal mula Indonesia ang barko na dadalhin sana sa Albay.

Hulyo 13 nang dumating sila sa Butuan kung saan sumailalim sa COVID-19 testing ang mga crew nito.



Samantala, tiniyak din ni Balilo na 24/7 nilang babantayan ang barko para matiyak na walang makakalapit dito.

Facebook Comments