2 security officer, patay matapos pagbabarilin

Patay ang dalawang security officer ng department of public works and highways matapos barilin ng isa nilang guwardiya za loob mismo ng DWPH main office sa Bonifacio Drive, Port Area, Maynila.

Nakilala ang mga nasawi na sina Mark Jason Dela Cruz at Ruben Roces habang sugatan ang security manager ng Catalina Security Agency na si Eric Pantastico at isang Rachel De Guzman.

Sa imbestigasyon ng MPD Ermita Police Station-9, pinagbabaril ang mga biktima ng suspek na guwardiya na si Wilfredo Gamayon habang nasa kalagitnaan ng kanilang christmas party kagabi.


Dead on arrival sa ospital sina Dela Cruz at Roces habang patuloy na inoobserbahan sina Pantastico at de Guzman.

Naaresto naman ang suspek sa ikimasang follow-up operation kung saan napag-alaman na ginamit ng suspek ang service firearm nito na nakuha malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ang motibo ng suspek sa krimen na kasalukuyan nang nakakulong.

Samantala, idineklara naman ni Manila Mayor Isko Moreno na half-day lang o hanggang alas-12:00 ng tanghali ang pasok sa lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan ngayong araw bilang paghahanda na din sa selebrasyon ng Pasko.

Facebook Comments