2 senador, iginiit ang muling pagkakampo ng PDEA sa loob ng Bilibid

Manila, Philippines – Iginiit nina Senate minority leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Ping Lacson na dapat magkaroon muli ng kampo ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Pahayag ito nina Drilon at Lacson makaraang sabihin ni PDEA Director General Aaron Aquino na dati silang may quarters sa Bilibid kaya natitiktikan nila ang mga drug transactions sa loob nito.

Pero sabi ni Aquino, nang naging hepe ng Bureau of Corrections o BuCor si Senator Ronald Bato Dela Rosa ay inilipat ang kanilang quarters sa ibang pwesto sa Bilibid kaya umalis na lang sila.


Ayon kay Aquino, hindi naman sila magkasundo ni dating BuCor Chief Nicanor Faeldon kaya hindi na sila nakabalik sa Bilibid.

Diin nina Drilon at Lacson, mahalaga ang tulong ng PDEA para masawata ang patuloy na operasyon ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

Kaugnay niyo ay nais nina Drilon at Lacson na mabigyan ng budget ang PDEA para makapagpatayo ng sariling opisina o headquarters sa loob ng Bilibid.

Facebook Comments