2 senador, iginiit ang pagkakaroon ng safeguards sa mandatory disclosure ng impormasyon ukol sa COVID-19 patients

Suportado nina Opposition Senators Risa Hontiveros at Francis “Kiko” Pangilinan ang ang direktiba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na mandatory disclosure o paglalabas ng impormasyon ukol sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Pero giit ng dalawang senador, dapat may kaakibat itong safeguards para hindi mabiktima ng diskrimasyon ang mga kumpirmado at pagsususpetsahang positibo sa COVID-19.

Paliwanag ni Senator Hontiveros, kailangan ng guidelines para malinaw kung anong partikular na impormasyon ukol sa COVID-19 patients ang ilalabas at saan o paano ito gagamitin.


Apela pa ni Hontiveros, dapat ay hindi sa publiko kundi sa mga awtoridad lamang ibahagi ang impormasyon ukol sa pasyente.

Para naman kay Senator Pangilinan, makatwiran ang mandatory disclosure para sa mabilis na contact tracing pero dapat magkaroon ng malinaw na patakaran.

Dagdag pa ni Pangilinan, dapat maging responsible o magkaroon ng pananagutan ang magbibigay at tatanggap ng impormasyon at mahalaga na maikonsidera pa rin ang Right to Privacy ng COVID-19 patient.

Facebook Comments