2 senador, pabor na ibenta ang mga golf course ng militar para idagdag sa pondong pantugon sa COVID-19 crisis

Sinang-ayunan nina Senators Panfilo “Ping” Lacson at Ronald “Bato” Dela Rosa ang mungkahing ibenta ang mga golf course ng militar para matugunan ang pangangailangan ng publiko ngayong may COVID-19 crisis at para maisalba ang ekonomiya.

Ayon kay Lacson, maaring ibenta ang golf courses basta’t hindi makokompromiso ang physical security ng mga pasilidad ng militar.

Paliwanag ni Lacson, extraordinary ang sitwasyon ngayon ng bansa kaya extraordinary din ang kailangang aksyon ng gobyerno.


Pero diin ni Lacson, kasama sa extraordinary na dapat gawin ng gobyerno ang pagpapataw agad ng mabigat na parusa sa mga opisyal ng gobyerno na palpak, lalo na sa mga nagsasamantala sa pondo na dapat pangsalba sa bayan mula sa COVID-19 pandemic.

Giit naman ni Senator Dela Rosa, dapat siguraduhin ang transparency sa bawat transaksyon at sa paggamit ng malilikom na pondo.

Ayon kay Dela Rosa, ito ay para hindi maulit ang nangyari sa pinagbentahan ng military assets sa Fort Bonifacio sa Taguig na para sana sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments