2 Senior Citizen at Isa pa, Huli sa Kasong Pagnanakaw!

Cauayan City, Isabela- Hinuli ng otoridad ang tatlong (3) katao na wanted sa batas sa Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Hinuli sa bisa ng warrant of arrest ang mga akusado na sina Pablito Morales, 74 anyos, Evelyn Morales, 74 anyos, at Marissa Demandante, 38 anyos, may-asawa, walang trabaho na pawang mga residente ng Purok 5, Sampaloc ng naturang bayan.

Ang tatlong akusado ay nahaharap sa kasong theft o pagnanakaw na may kaukulang piyansa na tig Php10,000.00.


Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments