2 siyudad sa bansa, magkakaroon ng early voting hours sa BSKE

Papayagang bumoto nang mas maaga ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa darating na Brgy at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30, 2023.

Sa briefing & security command conference ng Commission on Elections (COMELEC) kasama ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni COMELEC Deputy Executive Director for Operations Atty Rafael Olaño, ang mga pilot area ay Naga City at Muntinlupa City.

Base sa datos, nasa 22,229 ang mga senior citizen sa Naga habang nasa 52,542 naman sa Muntinlupa o kabuuang 74,771.


Samantala, umaabot naman sa 938 ang PWDs sa Naga at 249 sa Muntinlupa o kabuuang 1,187 na mga botante.

Ayon kay Atty. Olaño, pabobotohin ang mga ito mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng umaga o dalawang oras bago ang opisyal na pagbubukas ng halalan sa Oktubre.

Ani Olaño, titignan sa nasabing early voting kung magiging epektibo o mas paborable ito sa mga tinaguriang vulnerable sectors.

Facebook Comments