2 sports complex sa Metro Manila, ginawang pansamantalang COVID-19 facilities ng PSC

48

Pansamantala munang ginawang medical facilities ng Philippine Sports Commission (PSC) ang dalawang sports complex sa Metro Manila para sa COVID-19.

Ito ang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at ang Philsports Complex Sa Pasig City.


Ayon sa PSC Chairman William Martinez, ikinukunsidera nila ang ilang pasilidad sa mga nasabing sports complex para tumanggap ng mga pasyente.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila kay Executive Secretary Salvador Medialdea tungkol dito.

Facebook Comments