2 Studyante, Huli sa Paggamit ng Marijuana!

*Cabatuan, Isabela- *Arestado ang dalawang studyante matapos maaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Vincent Joshua Aquino, disi otso anyos, grade 12 student at Jayrome Clasa Morales, disi otso anyos, grade 11 student at pawang mga residente ng Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip ang dalawang studyante matapos makatanggap ng impormasyon ang PNP Cabatuan mula sa isang concerned citizen na umanoโ€™y gumagamit ng marijuana sina Joshua at Jayrome.


Nagtungo naman ang mga rumespondeng pulis sa nasabing barangay at dito naaktuhang gumagamit ng Marijuana ang dalawang suspek.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang isang sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon ng Marijuana at isang improvised tooter.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cabatuan ang dalawang studyante at nakatakdang isailalim sa inquest Proceedings habang inihahanda naman ng kapulisan ang kasong kakaharapin ng dalawang suspek.

Facebook Comments