2 SUGARCANE FARMER’S ASSOCIATION, TUMANGGAP NG PANGKABUHAYAN KITS

CAUAYAN CITY – Pinagkalooban ng pangkabuhayan kits ang dalawang (2) Sugarcane Farmers’ Association sa bayan ng Piat, Cagayan sa pangunguna ng DOLE Cagayan Field Office.

Tumanggap ng Rice and Feeds Retailing Kits ang Pinagpala Sugar Cane Farmers’ Association habang Sugarcane Farming Kit and Equipment naman ang ibinigay sa Madovilla Rural Farmers Association kung saan ay nagkakahalaga ang mga ito sa halos P1.3-M.

Hinikayat ni DOLE Region 2 Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. na ingatan at palaguin ang naibigay na pangkabuhayan kits para magkaroon sila ng iba pang pagkakakitaan bukod sa pagsasaka ng tubo.


Samantala, sumalang din ang mga benepisyaryo sa pagsasanay tungkol sa simple accounting at bookkeeping para mahasa pa ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo.

Facebook Comments