2 sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

27

Ang mga biktima ay kinilalang sina JASIM DIOCOLANO, may asawa at residente ng MARGUES, DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO at SARATA MADALI USMAN, 32Y/O, residente ng PUROK 5, RH9, COTABATO CITY kung saan naganap ang pamamaril
Ayon kay PS2 Comander Police Capt. Rustom Pastolero, naghatid lamang ng mga panindang kahoy na panggatong sa lugar si Diocolano at dalawa nitong kasama, habang ibinababa ng mga ito ang kanilang produkto mula sa pinagkargahang multicab ay biglang may dumating na aramadong kalalakihan lulan ng motorsiklo at pinaputukan ito.
Nadaplisan naman ng ligaw na bala sa dibdib si Usman na noon ay nakaupu lamang sa labas ng kanilang bahay habang kalong ang bagong silang nitong sanggol na maswerte namang hindi tinamaan.
Sinabi pa ni Capt. Pstolero na matapos ang insidente at agad nang umalis sa lugar si Diocolano at hanggang ngayon ay hindi pa batid kung nasaan ito samantalang agad namang isinugod sa pagamutan si Usman.
Sinabi pa ni Capt. Pastolero na ikinagulat ng mga kasama ni Diocolano ang nangyari, hindi nila ito inaasahan dahil wala naman silang alam na kalaban ito dahil ang tanging pinag-kakaabalahan nito ay ang pagdedeliver ng mga kahoy na panggatong sa kanyang mga suki.
Gayun paman, sinabi ni Patolero na pipilitin nilang personal na makaugnay si Diocolano upang makunan din ito ng pahayag upang matukoy kung sino ang posibleng namaril sa kanya.

Facebook Comments