2 sugatan sa pamamaril sa Parang ,Maguindanao

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Parang Municipal Police Station kaugnay sa nangyaring pamamaril sa brgy. Nituan , 6:40 kagabi na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawa katao.
Sa report na ipinarating sa DXMY ng PRO BAR, papauwi ang mga biktimang kinilala na sina Ibrahim Macacua, 28 anyos , negosyante at Lanie Tarusan, 42 ,Midwife, sakay ng Toyota Vios mula sa bahagi ng Brgy. Making ngunit pagsapit sa bahagi ng Nituan ay bigla silang pinagbabaril ng mga nakasakay ng motorsiklo.
Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang katawan si Tarusan na syang nagmamaneho sa vehicle, habang sa paa naman ang tama ni Macacua. Narecober sa crime scene ang 3 basyo ng bala ng caliber 45 pistol.
Patuloy paring inoobserbahan ang mga biktima.

Facebook Comments