2 sugatan sa sunog sa Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang dalawa katao matapos masunog ang tatlong kabahayan sa Santa Ana, Maynila.

Nagtamo ng first degree burn sa kaliwang kamay ang biktimang si Tristan Pampillo, 33-anyos habang nasunog ang bahagi ng hita at kamay ni Gomer Morales, 67-anyos.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang sunog sa bahay ng isang pamilya Castrillo.


Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula bandang 3:30 ng hapon.

Patuloy namang inaalam ang sanhi at kabuuang danyos sa sunog.

Facebook Comments