2 suicide bomber sa Sri Lanka, anak ng isang prominenteng pamilya

Anak ng kilalang negosyante sa Sri Lanka ang dalawang suicide bomber na responsable sa Easter Sunday attacks.

Ito ay matapos na lumabas sa imbestigasyon na ang magkapatid na sina Ahmed Ibrahim at Iiham Ahmed Ibrahim ay anak ng negosyanteng si Mohamed Ibrahim, pinakamalaking exporter ng mga spices sa Sri Lanka mula pa noong 2006.

Nauna ng ibinunyag ni Sri Lanka State Defense Minister Ruwan Wijewardene na ang mga suspek na nasa likod ng pambobomba ay pawang mga edukado at may kaya.


Facebook Comments