2 sundalo at isang miyembro ng Maute ISIS patay sa panibagong engkwentro sa Lanao Del Sur

Patay ang dalawang sundalo at isang miyembro ng Maute-ISIS sa panibagong engkwentro sa Sitio Palasun, Barangay Calaludan, Pagayawan, Lanao Del Sur.

Ayon kay 103rd Infantry Brigade Commander Col Romeo Brawner Jr. nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 55th Infantry Batallion sa Sitio Palasun nang makasagupa ang nasa 20 miyembro ng mga armadong  Maute-ISIS sa pamumuno ni alyas Abu Dar na sinasabing bagong Emir ng Maute-ISIS sa bansa.

Patuloy namang nakaalerto ang tropa ng sundalo sa lugar para sa posibleng blocking operation at pursuit operation laban sa mga nakasagupang Maute-ISIS.


Facebook Comments