Patay ang dalawang sundalo habang nawawala ang isa pa matapos tambangan ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Barangay Gacab, Malibcong Abra ngayong araw, Oktubre 27, 2022.
Ayon sa mga awtoridad, patungo ang tropa na kinabibilangan ng apat na mga sundalo sa Baay-Licuan para tumulong sana Disaster Response Team sa pagresponde sa magnitude 6.4 na lindol sa Abra nang makasagupa sila ng mga rebelde.
Mariing namang kinondena ni Lt. Col. A.S. Ricardo Garcia III, ang commander ng 24th Infantry Battalion, ang umano’y di makataong gawain ng mga NPA.
Siniguro naman nito sa mamamayan, partikular sa pamilya ng mga nasawing sundalo na ibibigay ang nararapat na hustisya at mapanagot ang mga rebelde.
Facebook Comments