2 sundalo patay matapos ang naging engkwentro laban sa communist-terrorist group sa Samar

Kinumpirma ng mga awtoridad na nagkaroon ng madugong engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at Communist-Terrorist Group o CTG sa San Jose De Buan, Samar, kahapon.

Kung saan ang nasabing engkwentro ay nagresulta sa pagkasawi ng 2 miyembro ng Philippine Army.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng report ang mga awtoridad ng balita patungkol sa presensya ng mga nasabing CTG sa Brgy. Babaclayon.

Ngunit nang puntahan ito ng 46th Infantry Battalion, ay nauna na silang pinaputukan ng mga nasa 3 suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang hot pursuit ng militar sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, ay nagpaabot na din ng pakikiramay ang Philippine Army sa mga pamilya ng mga nasabing sundalo.

Nanawagan naman ang ahensya sa mga natitirang myembro ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) na sumuko na sa mga awtoridad.

Facebook Comments