Sugatan ang dalawang sundalo matapos magkasagupaan ang 103rd Infantry “Haribon” Brigade ng Philippine Army sa nasa halos 200 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Lumba-Bayabao sa Lanao del Sur.
Naglunsad ng operasyon ang army unit matapos magsumbong ang mga residente na nagsasagawa ng training ang mga rebelde sa lugar.
Dito ay naispatan nila ang isang communist outpost ay nagkasa ng opensiba.
Ayon kay 103rd Infantry Brigade Commander, Brigadier General Romeo Brawner – walang lugar ang NPA sa Lanao del Norte at pipigilan nila ang nila ang mga hakbang nito na impluwensyahan ang lalawigan.
Naniniwala ang militar na ang mga rebeldeng komunisya ay kabilang sa Guerilla Front 12 ng NPA, sa ilalim ng Sub-Regional Committee (SRC) 5.
Facebook Comments